top of page

Ano ba tayo?

Tayo ang usapan dito Hindi ko lang kasi alam sa kung anong mayroon tayo Ayokong pag-usapan ang tungkol dito Kasi baka pag tinanong ko ang tungkol dito ay mas lalong maging kumplikado

Kaso nahihirapan lang ako Kasi iniisip ko lang kung hanggang dito lang ba tayo? Nakakaduwag itanong kasi baka ang maging sagot mo ay "oo" Na para sayo tayo lang ay naglalaro

Pagkatapos ay pagtatawanan mo ako Kasi aking sineryoso Na habang ginagawa ko ang tulang 'to Ang mga mata ko ay lumalabo

Dahil sa mga luhang nag-uumapaw sa mga mata ko Yung tipong wala na kong matanaw kasi napakalayo Napakalayo na maging tayo Kasi lahat lang pala ng ito para sayo ay biro

Sa larong 'to, ako ang talo Ang sakit maloko Na sa lahat ng matatamis na pinakita mong motibo Ay hindi naman pala totoo

Na kung dati ang mga salita ay libo libo Ngayon ay siro Sa kung anong mayroon tayo ay hindi na magulo Walang tayo at ako lang pala ang bumubuo ng ating kwento

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page