Paru- paro
Nagbabalik tanaw sa mga bagay Na matagal ng naglaho ngunit hindi mabura sa isipan Dahil sa dahan dahang pagdapo ng paro parong pumukaw sa aking harapan Nagbalik sa akin isipan Kung paano binitiwan Ikay isang paro paro Malayang lumilipad sakay ng iyong pakpak Isang paro paro na dapat dumapo sa maririkit at maririlag na bulaklak Ngunit bakit sa kamay ko pang marungis sa gitna ng harding kay lawak May nagtanong Bakit kita hinayaang lumipad? Bakit wala akong ginawa? Bakit hindi kita hinabol? ...Dahil mahal kita
Hindi kita hinabol hindi dahil ayaw ko na Hindi kita hinabol sapagkat nakikita na kitang masaya Hindi kita pinapabayaan Mula sa malayo ika'y aking pinagmamasdan
Hindi lahat ng maganda hinuhuli ung iba hinayaan Hinahayaang lumigaya
Hindi Kita iniwan, Ika'y aking pinalaya.