top of page

Ni minsan ba ako’y minahal mong talaga?

Mahal, naaalala mo pa ba ang simula? Simula ng ating pag-iibigang inakala Inakalang tunay at walang kapantay, Unti-unti nang nawalan ng saysay Iyo pa rin bang naaalala, Ang mga panahong dalawa pa tayong masaya, Na hindi makukumpleto ang araw ng isa pag wala ang isa Masasayang alaala, di na ba talaga mauulit pa? Mahal, bakit pag-ibig mo’y biglang nawala, nanlamig Hindi mo man sabihin, ramdam kong ika’y lumalayo sa akin Sa akin, sa ako na umaasang babalik ang ikaw Umaasang kahit saglit magbalik ang tayo Alam mo ba kung ilang gabi akong umiyak? Kung ilang unan ang sumalo sa aking mga luhang pumatak? Malamang hindi, dahil hindi mo nalaman Hindi mo nalaman dahil hindi mo naman talaga inalam Mahal nais kong malaman, maintindihan Ano nga ba ang dahilan ng unti-unti mong paglisan Pagmamahal ko ba’y hindi naging sapat? Sa pananatili mo ba ako’y di karapat-dapat? Pakiusap, nawa’y, sana’y iyong sabihin, ako nalang ba ang kumakapit sa atin ako nalang ba ang nananatiling umaasa? Umaasa na muli tayong magiging masaya Mahal bago magtapos ang aking tula, Nais kong marinig sa iyo ang mga salita Mga salitang magpapatigil sa aking pusong balisa Mga salitang tuluyang tatapos sa aking katiting na pag-asa

Mahal, ikaw ba ay naging masaya? Masaya sa pagsasama nating dalawa? Ako nalang ba ang mahigpit ang kapit sa mga alaala? Ni minsan ba ako’y minahal mong talaga?

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page