top of page

Ang Sarap Umibig, 'di ba?

Ang sarap umibig, 'di ba? Lalo na pag alam mong mahal ka din niya Wala ng mas sasaya pa taong umiibig Umiibig, sa taong may pusong siya ring pinipintig Pero bakit ganon? May mga taong sasabihan ka ng mahal ka Tapos malalaman laman mo hindi pala Na ikaw ay pinagtripan lang talaga Pinakilig, pinangiti, pinatawa Sa maikling panahon ika'y pinasaya Pinasaya sa matatamis niyang yakap at salita Pinasaya bago ka niya bitawang bigla Basta nalang siyang mawawala Mawawalang parang bula At ikaw parin sa kanya'y mag-aabang, tutunganga Dahil di mo matanggap na pinagmukha ka nyang tanga Pero hindi ka tanga, ikaw lamang ay biktima Pumasok ka sa isang relasyong walang pag-asa Umibig ka sa taong sarili lang ang inaalala Oo umibig ka, sa taong ika'y walang halaga Para sa mga taong pinaasa Pinaasa sa katagang mahal kita Huwag kang malugmok sa isang banda Tandaan mo, ikaw pari'y may halaga Halagang di niya makita Halagang nais ibigay sayo ng iba Iba, ibang taong sa iyo'y umiibig Umiibig ng palihim, umiibig ng tahimik Nawa'y mapansin mo rin Habang ika'y nagpapaka lugmok sa kanya May isang tao ring puso'y wasak na makita ka Makita kang umiiyak, makita kang nasasaktan Kung bakit ba naman kasi tadhana'y magulo Di nalang dalawang pusong seryoso'y pinagtagpo Di nalang dalawang pusong mapagbiro pinaglaro Di nalang puro saya, ramdam ng bawat puso

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page