Para Sa'yo Mahal
- Aya
- Oct 28, 2017
- 1 min read

Mahal, sa unang araw na nakilala kita,
Mundo ko ay nag-iba.
Sa araw-araw na kapiling ka,
Ako’y sobrang maligaya.
Sa lahat ng kabaliwan,
kalokohan, kadramahan,
kasiyahan,
at sa lahat ng problema’y kasama ka.
Sa bawat sambit ng mga katagang
‘mahal kita’, para
bang ako’y nasa langit na.
Mahal, ikaw ang kakampi ko sa lahat,
ikaw lang ang nakakaintindi
sa mga sitwasyon kong napakahirap.
Mahal, sayo ako lagi nagsasabi
ng mga hinaing na sobrang nakaka-sakit na.
Mga hinaing na hindi ko na kaya.
Mga hinaing na unti-unting pumapatay
sa katawang lupa kong buhay.
Mahal, alam mo
kung gaano ka ka-importante sa buhay ko,
kung gaano ka kahalaga sa buhay ko,
at kasama ka pati sa lahat ng pangarap ko.
Ngunit mahal,
bakit sa paglipas ng araw,
sa bawat sabi ko sayo ng mga hinaing ko.
Tila ba’y napapansin ko,
hindi mo na ako naiintindihan.
At hindi mo na ako nasasamahan.
Mahal, napapaisip ako ikaw ba’y pagod na?
Ikaw ba’y nagsasawa na?
O sadyang ako lang talaga ang may problema.
Mahal, wag mo sanang isiping ako’y naloloka,
o wag mo sanang isipin na ako’y nababaliw na.
Pero sana mahal
wag mo akong hayaan na malungkot na mag-isa. Mahal, tandaan mo kahit ako’y ganito,
lahat gagawin ko para sayo. Mahal, mahal na mahal kita at higit pa.
Recent Posts
See AllTayo ang usapan dito Hindi ko lang kasi alam sa kung anong mayroon tayo Ayokong pag-usapan ang tungkol dito Kasi baka pag tinanong ko...
Ang sarap umibig, 'di ba? Lalo na pag alam mong mahal ka din niya Wala ng mas sasaya pa taong umiibig Umiibig, sa taong may pusong...
Commentaires